papunta ako ng bahay ng lola ko ng may nakasalubong akong mga batang nakabalot ng puting hood sa mga ulo nila mala KKK at balot na balot ang mga katawan nila ng puting tela din,kasam nila ang mga magulang nila o kung hindi man mga magulanng nila yun e matatandang umaalalay sakanila na ang ilan ilan ay naka itim na belo pero nakaputi ding mga kamiseta,lahat sila may hawak na kandilang malalaki pwera lang sa mga batang may dala dalang puntod at mga cruz at mga banner na hindi ko mabasa kung ano ang nakalagay.isang batalyon sila.mejo nasakop nila ang buong kalye at nahirapan ako makahanap ng butas para lang makalusot sa knila papunta sa bahay ng lola ko.nagmistulang obastacle course ang prosisyon nila papunta sa bahay ng lola ko.Nung nalampasan ko sila.nakarinig ako ng kaguluhan sa di kalayuan.parang pasugod na mga hayop,habang papalapit sila ng papalapit sa akin,nakita kong may mga taong nakasakay pala sa mga hayop na ito.Nung una akala ko ko kabayo dahil sautnog na narinig ko noong malayo pa sila.pero nung lumapit na sa akin at nilampasan na nila ako,ibang klaseng hayup pala.Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klaseng hayop.Yung mga katawan nila kabayo,pero dalawang paa lang ang gamit nila at ang isa pang pares naman ng paa nila e parang may mga kalawit at ang ulo nila e parang ulo ng aso,bulldog!!!nawindang ako at napatabi sa sidewalk!napahinto at natulala.weirdo e.patuloy ako sa bahay ng lola ko.ilang bahay nalang papunta sa bahay ng lola ko.nakita ko ang mga pinsan kong bata na may sinusungkit na kung ano man sa loob ng isang gate malapit sa bahay ng lola ko.Ginulat ko ang mga pinsan kong bata at napamura ang isa "PUTANGINA!!!!!" gulat na gulat sha at para sa ganung kabatang bata magmura e tawagin monakong sick pero nakyutan ako't natawa din ako.Tinannong ko sila kung anong ginagawa nila.Sabi nung isa kong pinsan,sinusungkit namin yung mga "robot".Robot?!!?ha?!napasilip din ako sa loob ng gate....pero ang nakita ko naman ay hindi mukang robot.kungdi parang tasty na merong paa at bibig na wala namang ngipin.madungis ito at mukang malangis langis ang katawan.kasing laki lang cguro ng kahon ng sapatos tong "robot" na ito.At kumakain sha ng isang malaking piraso ng karne.At hindi lang basta kain,todo lamon talagang wala ng nguyaan.Natuwa ako't sinungkit ko rin ng pamatpat na gamit ng mga pinsan ko.Bigla nalang may isa pang "robot " na lumabas na lang sa kung saan mang hindi ko napansing dalawa pala sila dun.Kinagat ang pamatpat at hinila ito paloob.Natawa ako.nabadtrip mga pinsan ko.Naglakad nako paalis at iniwan sila dun nagsisihan kung bakit daw pinahiram pa sa akin ang pamatpat nila ....habang palayo ako eto nalang narinig ko..:"anong gagamitin natin ngayon...?".Isang bahay bago magbahay ng lola ko.napasilip ako sa new years party ng isang malayong kamag anakan namin.typical lang mga pangyayari sa loob,taon taon ksi nila ginagawa ito.May program,games,prizes,pagkain,inuman,sharing etc etc...typical new yrs party(para sa akin ah).Pero ngayon meron silang bagong cast.Napakamot talaga ako ng mata ko nung nakita ko ito.Isang elepante ang may hawak ng mikropono at nag susumigaw ng "BRING ME....".naweirduhan akong todo at umalis nako patungo sa bahay ng lola ko.Pag dating kos a bahay ng lola ko.Bumeso ako,yumakap at bumati ng happy new yr at nagtanong kung anong handa namin para sa bagong taong ito.Sabay turo ang lola ko :"ayun O" sa isang sulok kung saan may isang tumpok ng tao na nagkakagulo.sinilip ko kung ano pinagkakahguluhan nila at nung makita ko e isang pirasong torta lang pala!Puros kamaganak ko tong mga nagkakagulong to.mga tito ko,tita,lola,mga pinsan.Sabay sabi sakin ng lola ko;tignan mo tong mga to.torta lang nagkakagulo pa.
*nagising nako*
*nagising nako*
No comments:
Post a Comment