Saturday, April 26, 2008

ang malas ko...

nagising ako alasyete ng umaga di ko namalayan ang oras "syet late nako sa work" agad akong bumangon, tumakbo papuntang shower pagkatapos naligo d na ko nakapagshampoo pero nakapagsabon naman ako di ko ugaling maligo na walang sabon... mga ilang minuto lang ako sa banyo agad akong lumabas at nagsipilyo pagkatapos nagbihis ung butas pa na pantalon ang nasuot ko wala akong magawa dahil d pa plantsado mga damit ko at di na rin ako kumain ng almusal agad akong nagpara ng tricycle pro walang gustong magpasakay sa akin sa kanto kahit malapit lang ang pupuntahan ko pero may naawa rin at nakasay rin "sa wakas" sa pagdating ko sa paroroonan ko nagbayad ako ng pamasahe pero ang problema boo ang pera ko walang barya pa yong driver "syet late na talaga ako sa work" buti nalang nakita ko ung kaibigan kong ubod ng tanga kaya nakahiram ako ng pera... pagdating ko sa trabaho nagulat ako sa nakasalubong ko boss kong ubod ng sungit at ubod ng pangit!!! sermon ang inatupag ko sa kanya pero buti nalang may tumawag sa kanya na secretary kasi may meeting daw... nung pag-upo ko na sa mesa ko agad kong inopen computer ko ngunit ayaw ma-on ung CPU parang sira yata sa galit ko tinapon ko ang keyboard tinamaan ang kaofficemate ko na babae "toink" ang laki ng bukol dahil sa sobrang lakas ko ng pagtapon sa keyboard at nahimatay xa sa sakit at agad syang dinala sa ospital at ako naman nagtago para di nila malaman kung sinong nagtapon ng keyboard at kunwari pang nakitsismis at kinuha ung keyboard...
alas sinqo ng hapon pauwi na kami galing sa work nagpara naman ako ng tricycle pero wala paring magpasakay sa akin... maya maya lang biglang bumuhos ang ulan at nabasa ako bat di kasi ako nakadala ng payong tapos tumakbo ako at naghanap ng masilungan, ayon sa kanto pero pero pagpunta ko doon daming tao nagsiksikan na parang mga daga na takot mabasa sa ulan at nagtutulakan para lang di mabasa... habang nagpapasilong kami dami rin mga tricycle na dumaan pero nag uunahan kami na makasakay hanggang sa naabutan na ko ng alas sais ng hapon... kokonte nalang kami ng mga oras na iyon... mga ilang minuto lang may dumaan naman na tricycle at agad kong pinara at nag uunahan pa kami sumakay... sawakas nakasakay rin... pagdating ko ng bahay di ko namalayan may butas pala sa harapan ng gate namin pagtawid ko nahulog ako sa kanal at yon basang basa ako... the end... bitin ba?

No comments: