Ito ang kwento ng apat na taon ng mga taong iba iba ang trip. Ang bobong tao. May mga sariling opinion. May mga sariling paniniwala. Kanya kanyang kutob at iba iba ang diskarte. Pare parehong inaatake ng katamaran., kasungitan, kalabuan, kasabawan at marami pang ka ka inis. Lamang ang isa sa iba. Lugi din ang iba sa iba. May kanya kanyang mailalatag sa mesa. Pero para bang ang layo ng mesa at hindi makatayo. Walang paki elam kadalasan, marami rin napapansin kalimitan. Sumusugod sa pagkagulong paligid. Nananawa at naaumay din sa paulit ulit at bagong pangyayari. Burat sa marami. Natutuwa din sa marami. Nang-gagalit, nagagalit. Mag kikimkim, sasabog. Magwawala, masasaktan. Lalandi, mababaliw. Magkakamali, aamin minsan. Tumandang magkakasama at marami ng naranasang sama sama. Pangit ang kadalasang nangingibabaw na alaala. Taong bobo pinipili ang pangit sa maganda. Simpleng usapan, madalas nagiging komplikado. Mahilig um-‘Oo’ na ‘hinde’ naman ang ibig sabihin. Tapos na sana, pero laging nauudlot. Hindi magkaintindihan dahil walang nagbubukas ng bunganga. Kung sakali namang magsalita ay hindi naman maka rekta at paligoy ligoy, nanajang manlito. Kanya kanyang kumpanya para masunod ang gusto. Idadaaan sa diskarteng dagaan. Madalas magkaturuan at buto na lang ang natira sa mga kamay sa kaka hugas pero patuloy pa rin ang kusot. Sisimulan, pagkumalas, hindi na niya kasalanan. Pang aliw : drama. Busy : mamroblema. Paborito: reklamo. Gusto : di mailista sa dami. Hoy! Pagkain lang ang importante! Sukdulan na ng pagkaburat talaga! Pero sa kung ano mang pwersang meron ay patuloy pa din, ‘last na ‘to‘ ang pinatato. Pero puta, alam mong inuulul mo lang ang sarili mo kung tamang suko nalang. Hanggang kaya ay sugod ‘to. Hanggang may kakaburatan, lets go. Hanggang may nakakatawa pa rin, hala tawa! Hanggang may kumokontra pa din sayo, diskarte! Hanggang nakatayo pa din ang mesa, latag. Maraming utak sabay sabay gumagana, mag iispark talaga. Parang sinturon ni hudas, pag sumindi walang patid. Subukan mong pigilan at siguradong sunog ka. Bobong tao nagkalat, kadiri! Ilang milyong beses ka pa mag buntong hininga hindi talaga mauubos ang hassle sa planeta. Sa daming negatibo sa earth, positibo pa rin ang piliing ibuga. Kung hindi, hindi rin matatapos tong lecheng to. Basta! Kung ano man yang tamang isip ka ngayon?!...ganun talaga eh! Wooop! Wooop!
Stedi hits lang.
No comments:
Post a Comment