Monday, October 12, 2009

Umiikot lang..

Rekta. Nakapindot sa pula. Iba ang reyalidad sa nakikita. Nakabihis ang pakiramdam. Alam ko ginagawa mo. Wala lang akung lakas para mag reklamo. Mas kita ko ang silay ng ganda pag kinapitan ka ng sagwa. Bawasan ang daliring nakaturong pangsisi at ituro sa sarili na may pangako na maghahasik ka ng panibagong magandang uri. Hindi replika ng dating puro porma. Yung may halaga at epektibo. Sawa nako sa matalinong bobo. Sawa nako sa balitaktakang pinagtatawanang tinapay na talanka ang palaman. Lahat naman tayo may peklat sa balat ng malalim na sugat. Sagad, pagod, kulubot, sakop. Kala mo nakasandal? Hindi. Nakatusok. Hawak ko isang dulo. Kabila? Nasa ngala ngala na.

No comments: