UNANG KABANATA
Solo trip naglalakad lakad kung saan saan, may pera, walang
Nagtrabaho sa morgue dahil idol niya si jonathan davis.Tamang nakadreadz ding kalat kalat.black t shirts.Shorts at sinelas.Dipa nakatapos ng kahit isang summerslam ng may malay. Magigisng nalang may araw na at nagliligpit na sa amoroanto stadium.Tarantaduhan ang trip ng tropa.Yare ka’t makatulog kang lasing?!....pati ipin mo itim sa tinta ng pentel pen! Mga kuko. Buong paa. at kung ano anong ididikit sayong pwedeng iglue o scothtape man lang. Istapler yung namit mo sa unan, sindihan ang kilay mo, ahitin ulo mo, subuan ka ng tae ng aso, o bugahan ka ng bugahan ng chongkee habang tulog at pagising mo ‘di mo maintindihan pakiramdam mo? Pili ka nalang brad.
Magkakabanda nga pala sila.
May tugtugan ngayon ang mga kupal ngayong gabing to.Tamang usapan alas 4 kwatro kita kita na kla mang jun e.Alas sinco imedia na at nakasimangot na si mang jun. Nagdatingan din ang mga ulol. Si lulay, payatot, matangkad na mukang gago pero parang aso makipasuntukan at lagi lang nakashades kahit gabi. Bahista. Magkasama na sila ni Batman dumating. Eto gitaristang ‘to akala Jamaica tong pilipinas, damo lang ng damo sige, ilang beses na nahuli, SiGE! Todo bonghits pa talaga, makikita mo nalang yang yuyuko at ibabagsak ang buhok. Pagtingala bumubuga nalang. HITS FROM BONG!!!rrRastafurrr-AhY!!! Si apog kanina pa pala naka tambay sa taas kung nasaan ang TV, nakahilata, nakataas ang paa, nagyososi, at may isang lapad sa beltbag.Todo petix. Natunugan nalang na nanjan na ang mga ugok at bumaba’t makipagkupalan. Eto si jonathan
“Hoy Tangina niyo!!!Kanina pa ba kayo andito?! Tangina ano na!
Naguluhan ang tatlo at mejo natatawa.
“inan to!anlabo amputa!”
Sabay tumakbo nga. Huminto ng nakalayo ng konti, lumingon at sumigaw :
“Hoy ulol!Bakulaw! Yung sitaw mo nandun sa naka shades!!! yung upo niyo manong nandun sa parang baliw yung buhok!!!”
Dumura pataas at tumakbo ulit. Tumatawa.
At nagtakbuhan na nga silang lahat at nakatamo ng tama ng dura.
Nang ligtas na.
“Pukinginang bobo ka ba?ano yun puki ng ina ka?!”…”tangina talaga to oh,hassle amputa….nu ba yun men?”…oo pakyu kang gago ka napagod ako dun kingina ka!…upo amputa?!”
Sabay abot ng tig iisang piling ng saging tong si RayBan sa bawat napagod at sumalo ng dura niya..
‘D sha mahilig sa rayban na shades, flip lang tatay at nanay niya cguro. Ika nga niya eh – ‘Pare, pangalan lang yan. Pwede ko ngang tawagin sarili kong “conde” eh.YI CONDE RAYBAN!!TANGINA NIYONG LAHAT! BWAHAHAHA!- sa isip isip niya.” Pero yung tawa at mura hindi lang yata sa isip niya yun eh. Kasi nung gabing yun sa mayrics gumuguho na mundo niya sa amats nun at kung kaninong grupo nalang sha umeepal epal. Nagtatakbo din shang pilas pilas damit pauwi nun. Makapal ang muka, matinde paninidigan, todo get up panx, walang paki elam-mamatay ka jan kung gusto mo, magnanakaw ng gulay at prutas at tiyak maraming pang iba. Sha ang bokalista, aminado walang telento, ilang beses ng pinagpsasabihan ng nakapanuod na ayusin ang pagkanta niya at ilang beses na ding napaaway at dahil mataas ang stage, lamang sha’t nahahampas niya lagi ng mic stand sa muka para may oras sha makatakbo at kaya iilan lang ang pwede nilang matugtugan lugar. Sila nga pala ang “’D So Wutz?”.
“They play heavy metal straight to bone metal.You should ano… want like to have to see to watch ahh…my mga alaga…live playing?.I ….I phonecall them! Like devils screaming killing angels at yung mga ganung shet!!!!Pare!!! Alam mo yun?Yung mga tpong sheeeeeet!!!!?!alam mo ba sinasabi ko?SHEEEEET!!!!!!??? …ganon pare…shet………..DIBA?! *toot* toot* tooot*
Msg from RAYBAN ‘d MAN Ya’ll hoLleR:
HOY NEGRO NASAN NA YUNG HULING PERA KO SA HULING GIG .15 THOUSAN YUN KUPAL KA!PAPUNTA KO JAN.HANDA MO NA =)
Merong nga pala silang ubod ng tulunging tropa, Si Manggi .Trip din niya sha ang manager. Todo hatak na tao, sobrang abuso na sa katawan sa kakadroga o kung ano mang bisyo. Mahigit kwarenta na siguro to tancha ko lang, baka nga 60 pa e. Tangina itim na ng gilagid niya e. Sabagay ang itim din naman niya e. Regular natong taong to sa pagala gala d2 sa pasig. May banda dati, walang nangyari, nakatira sa bahay ng nanay niiya, nastuck sa panahon ng scorpions. Iniwan ng asawa. May konting sayad at kadalasan mahirap maintindihan ang sinsabi niya sa tagal nalang magkakasama nasanay na at natutunan na din ng lahat ang salita ni Manggi. Ang tunay pala niyang pangalan e “marky”.Sa sobrang kasabawan, na-ngongo na.. Balbas sarado, hindi mabangong tao, malapad, maiitim. Henyo pero bobo. Magaling magisip pagnakaisip. Malaking bulas.
Pagmadaling araw pagnapapadaan tong bandang “minamanage” niya sa harap ng bahay niya. Papasukin nila ang bahay nito at magkakalat ng tae ng kalabaw na napupulot lang jan sa ilang natitirang bukid dito na may mga kalbawa pa sa
Ganito lang naman magalit si Manggi e, bilan mo lang beer yan bestfriends na kayo ulit samahan mo na ng yosi at isang joint. Eto:
FONE NI BATMAN
Msg from : SIR LIBRENG ToYo Sa GilaGid
PUTANGINA NIYO!!!
REPLY NI BATMAN
To: SIR LIBRENG ToYo Sa GilaGid
MATULOG KA NA NEGRO!
DINALAN KA NAMIN UNAN
MARAMI!!
FONE NI LULAY
Msg from : Manggi Mark Wildbreath
ISa ka pang
PUTaNGFINAKOA…..!!!!
REPLY NI LULAY
To: Manggi Mark Wildbreath
OO,PUTANGINA MO!
GUDNYT=)
FONE NI APOG
Msg from: IDOL SA LIBAG
INA INYO
NYO TALGLA
REPLY NI APOG
To: IDOL SA LIBAG
HAHAHHA
BOBO KA ALAM MO NAMAN
MAGKAKASAMA KAMI,
TX KA PA SA LAHAT
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
AHAHAHAHAHAH!
ETO SAYO PAKYU!
C U TOM=)TX U ME AH
FONE NI RAYBAN ? Wala! Panx daw kasi sha eh.nakibasa lang sha ng txt messages ng iba at nakikitawa.Dami kc alam,’d kc cellfone na yung pitikin.Puro gulay at prutas, pwe!
Matagal na nangyari yan e at malamang nangyayari pa rin yan.
Ngayong kilala nyo na ang pet person ng groupong ito.
Tuloy natin sa kausap ni manggi na mukang hirap na hirap na sha mageenglish. Chambahan nga lang, napadaan lang si manggi sa lotohan ng bigla shang maihi.Nakiusap na kung pwede makihi pero sabi nung ale wala daw silang cr. Nagtimpi muna sha,tinapos ang pila,total ambilis na din dumami ng tao bigla sa likod niyang nakapila din e. Hanggang sa nakataya sha. Nagtatakbo ngayon si manggi, pumasok sha sa isang hubuang bar, nakalimutan sandali ang ihi sa mga nakitang nagspsplit na mga hubo’t hubad na mga babaeng dalag. Natingki ng isang lasing palabas at para bang gatillyo e bigla sha naihi sa pag katingki sa kanya. Nagtatakbo na naman sha. Habang nagbabawas sha ng lason sa katawan may narinig shang naguusap sa loob ng cassilyas.
“……..May pera ba sa pagproduce ng mga tugtugan.” Sagot nung isang boses ,nagmamadaling galit na galit na: “Oo! puta!” - “Yang mga bandang yan na makukuha mo jan sa mga production production na yan? - puta bigyan mo lang barya barya yung mga yun at konting beer na may dura o ihi o puta kung ano mang kalaswaan ginagawa ng mga waiter sa mga beer sa mga ganyan”..”ang punto men,kung may pera kang kasha sa pag papagig, Sinisigurado ko sayo, balik niyan muchos!”…
-“talaga ah?hmmmm….makapagpagig nga!”
Umilaw ang muka ni manggi nung narinig niya to.Naihi pa nga ata sha e.Pero puta sa dungis naman niya e baka makatulong pang luminis ng konti yung pantalon niyang nang gigila-ite. Putik na ngayon ang alikabok.Putik na may amats.
Hinabol ni manggi yung nais magpagig.
Inabotan niya ng calling card niyang gawa lang niya na gawa sa dalawang cartolinang pinagdikit para mejo maging card, calling card. Nagpakilalang manager ng bandang “’D So Wutz?”.Todo explain sha na kung ano yung banda, yung mga myembro,mga awards na natanggap nila.
-AWARDS?!bat parang ngayon ko lang ata narinig tong banding to?anong award yang natanggap niyo?
-Bossing, duda ka pa yata e.Yung drummer namin MVP yun sa baranggay liga 2003.
Yung bahista naman naming runner up ng mister pogi, special mention award naman natanggap niya dun. Yung gitarista naman naming,wala man shang medalya, sa kanya ang trophy ng pinakamalakas mag damo,pagtapat tapatin mo pa lahat ng barrangay sa amin. Yung bokalista naman nam…
-Tangina seryoso ka ba?!Award sa tugtugan tungak!Sayad ka ba bro?.hahahahaha!
Walang sabi sabi sinakal ni manggi yung producer.
-PUTA KA !GUSTO MO SAMA PA KITA SA TAMBAYAN NAMIN,ANDUN LAHAT NG MEDALYA NILA !ANO?INANGTO,KALA MO SAKIN SINUNGALING?!
PASOK RAYBAN :
-Oi !libag kelangan mo tulong ?sino yang nillason mo ng baho mo’t dinidikit mo sha sa katawan mo?
-ok lang ! KAYA KO TO MGA BUBWIT, bibigyan tayo ng gig nito. Ayus ba?!
Tinayo ni rayban ang lalaking sinasakal ni manggi at binigyan ito ng saging. Nagmadaling umalis ang muntik ng mamatay sa bantot. Buti nalang at naalala ni manggi ipapaalala: “Tol,you well txt rahyt?or contact me better, rock? Ingat ah dami baliw jan!”
Ilang oras makalipas at nasa kalye na ang
Sa talas ng mata at sa todo pagigisng tuso neto no rayban naka ispat agad sha ng tangke ng gasul na nasa loob lang ng isang gate na mababa. Kayang kayang sungkitin. Tiniktikan ni rayban na bumantay si lulay sa bahay para kung sakaling may bumukas na ilaw. Si manggi naman ay patuloy pa rin sa kwento niyang wala naman nakakaintinde. Si Apog at si Batman naman eh nakabantay sa kalye, tiktik sa tanod o silup.Tigisang kanto sila.Inakyat na ni rayban ang gate dahil sa tinde na ng amats nya e hindi na nya masungkit at maiangat ng mabuti ang tangkeng mukang may laman pa at abigat bigat pa kasi. Sinutsutan niya si Manggi na abutin ang tangkeng kalong kalong niya. Pero patuloy pa rin si manggi sa pagkwentong walang humpay.nakatingin sha kay rayban na mukang sa puntong eto eh bigat na bigat na sa tangke ng gasul na buhat buhat niya.Biglang may nagbukas ng ilaw sa bahay at nagkahulan ang mga asong tunong malalaki. Nataranta si rayban at nabitawan ang tangke.Paakyat na sha ng gate ng biglang may naramdaman shang parang pangil atang nakabaon sa kalamnan ng kaliwang binti niya.Nagtitili si gago.
Hinubad nilalay ang shades niya at umakyat sa bakod. Sinapak nya ang Doberman sa mata. Naghuhumiyaw paalis. Ngayon bukas na ang ilaw ng buong bahay Lumabas ang may ari ng bahay may dala dalang baril at d nagatubiling papatukan sila.Umaripas ang dalawang nasa loob ng bakuran at parang magic, eto na naman ang Doberman, mejo kirat pero matapang pa rin.Pumipito na sa Apog senyales na may parating na silup. Nasa ibabaw na sila ng gate at talon nalang ng biglang humabol pa ang Doberman at naabot ang tshirt ni Apog. Napilas ang damit niya at subsob sha sa alpalto pabagsak. Patuloy pa rin ang paputok ng may ari ng bahay.IIkutan palang
Kanya kanyang diskarte to makabalik sa tambayan,malayo layo din sha at maraming madadaanang tanod at mga silup na nagchecheckpoint ng pedestrian. Etong si batman kaya nagging batman kasi ang hilig sumabit sa jeep.Hanggang ngayon kaya sha nakakadulas sa mga pulis.Sasabit lang sha, magtatago sa kabilang gilid ng umandar na jeep sa hindi sha makikita ng pulis na nakatamabay. Makapit kamay nun at matinde magbalance.Break dancer yun ni Andrew E dati e! Si Apog naman,kaya din siguro “apog” kc tibay talaga ng muka niya e. Kaya niya humarap sa pulis at d sha matitinag.Sanay na sanay sa pikikipagusap samga taong kalye.Harangin man sha ng ke-tanod o pulis madaan niya yun sa kwentihan. Si lulay swerte lang cguro yun kaya d sha nahuhuli. Tamang masama na tingin sakanya ng isang pulis at todo suspect na talagatingin sa kanya bigla nalang mababahing ang pulis o mapupuwing o masasagasan o matatae o kung ano man at palagi!... palagi shang nakakapuslit dahil sa mga ganung bagay. Si manggi naman campante kaming makakarating d2 yun dahil kumpare niya lahat yang mmga pulis pulis at tanod tanod na yan e.Kababata ba, may pinagsamahan, hindi talo.O baka pinagbibigyan nalang din sha at naawa sa kanya.Kung ano pa man e swerte pa din niya.
Sabay sabay nagdatingan sa plaza, malapit na dun ang tambayan namin at isang tawid nalang.Patwid na kami ng bigla nalang may humarang sa aming trycikel sa jampak ng mga batang mejo halatang paliwara. Sumigaw: “Alpha kappa
Nasa gitna palang ng kalye eh may naamoy na silang mabango’t nakakapanglaway. Nakarating din sila sa “barbers”.Dating barberya ito na pagaari ng ninuno ng kung sino man sa limang to.Kumpleto pa ang gamit pang barberya d2, ung mga upuan, salamin, kahit powder at mga suklay.Ang wala lang yata e gunting. Tutal at wala naman gumagamit ng lote naisipan nilang gawing tambayan. Nauna si rayban makarating sa barbers at mukang matagal na shang nandun at mukang may niluluto na.Wala ng nakaisip itanong pa k rayban kung paano sha nakapuslit dahil gutom na gutom na lahat at gusto nalang fumoodtrip ng lahat.
“sabi ko sa inyo ako didiskarte ng chibog e,kung sweswertihin din talaga oo.”-“o game?
Paglatag ng ulam natawa lahat.
Ang nasabi lang ni manggi:“pota,doberman!imported na karne yan!“
At si rayban naman:“gago ka ah,kinagat moko kanina ah!“
**Wala pong nasaktan sa pagsabog ng mga tangke ng gasul(pwera kay doberman,matanda na rin si doberman kaya sipin niyo nalang pong oras na din niya) .Nangalahati po ang bahay sa pwersa ng sabog pero luma na din naman yun e.Isang bagyo o bahing nalang yun. Kasalukuyan po, ang may ari ng bahay ay iniimbistigahan kung bakit niya binaril ang tangke ng MGA gasul na negosyo nila.**Duda ng mga pulis,insurance to!
Wala pang araw eh ring na ring ang lecheng talepano ni manggi,Ang sama ng gising ni lulay dahil ang ingay ng cellfone ni manggi at may epoxy ng shades niya sa ulo niya.Hindi sha makapaghilamos.Maya maya at nagising na din lahat pwera ang nangising.Hinawakan nilang apat ang paa ni manggi at inaangat ito hanggang sa nakalambitin na sha pero dpa rin sha nagising.Tinutok nila ang ulo nito sa cellfone niyang nasa sahig at inintay din itong magising sha sa ring ng talepano niya. Nung dumilat e sabay sabay nilang binitawan at binagsak ang muka sa cellfone niyang istorbo.
Kumalas ang cellfone at bumakat ito sa muka ni manggi na mukang naburat pero mas inaantok kaya lumipat nalang ng pwesto at natulog ulit. Wala pa atang ala una.Ala una ang tipikal na gising ng mga gagong to.Gutom na naman sila at mukang walang natira kay doberman kagabi.Lahat napatingin kay rayban.
-Pakyu kayo!kayo naman magisip.
Humiga ulit.
Si lulay nanggigil na sa naka epoxy na shades sa ulo nya. Kumuha ng pla-is.At ginupit nalang ang sangkalan ng shades sa tenga.Natanggal nga niya yung shades pero nakadikit pa din ang mga sangkalan.Pinagtatajakan niya sa tiyan bawa’t isang nakahiga pwera si manggi.Dahil alam naman ng lahat,sabihn mo ng baliw o kung ano man,hindi nagtritrip si manggi.Tumawa lang ang apat at napadramatic walk out nalang si lulay na may nakadikit na parang dalawang antena sa magkabilang tenga.
-Bye lulay.... see you later....wala ba kaming kiss ?.....waaaaahahahah!
-“TANGINA NIYO!!!dito lang ako sa labas magugupit ng kuko.Baka kainin na naman ni manggi yung pinag gupitan ko e.”
Napabangon bigla si manggi na para bang natauhang baliw nga sha talaga.”PUTANGINA NIYO TALAGA!!!”.-“Sira na naman cellfone ko.”-“bobo kayo,baka yung tumatawag kanina yung producer yon!”…
Natawa ulit lahat.
-“E ikaw pala bobo e.Tingin mo tatawagan ka pa nun.E gago ka pala e.Sinakal mo eh!”
-“tangina niyo,tinakot niyo din e”
-“pwe!kasakal sakal naman din talaga ichura nun e.”
-„BAHALA NA NGA KAYO!leche matutulog nalang ulit...tumutulong na nga e....ganyan pa...mga....nuon....tapos...“
At nakatulog ulit sha.
-Hoy mga turat,may naghahanap sa banda niyo!-sigaw ni apog galling sa labas.
“Sino ka nga ba ulit,kaw yung sinasakal ni manggi kagabi diba?tangina!nu ba yun, LQ ba kayo kagabi?”-sabay tawa si apog ng hindi na inintay sagot sa marami niyang tinanong.
Pero sumagot pa rin si producer: “Ako pala si Dean Sagud. Plano ko sana magpagig,kukunin ko banda niyo.Marami akong narinig tungkol sa banda niyo e. »
« tulad ng.... ?-mejo pasugod na tanong ni lulay.
“Ahhh…tulad ng ….tumutugtog daw kayo.ahhh maingay…ano ahh magaling?”
“Apog,Batman,Rayban!Labas nga kayo dito.Tabla na yang walang sibling manggi nay an.May loko loko ditto e.”-tawag ni lulay.
“ahhhh hinde……”- kabadong sagot ng Sagud.-“Pwede ba tayo magusap sa isang lugar na pwede tayong kumain, lagpas pananghalian na at panigurado ko hindi pa kayo nagtatanghalian katunayan niiyan ako din e”.-patuloy si Mr.
Napasigaw si Apog na parang nainsulto-“TANGINA!ano ba akala mo samin?nandidiri ka ba sa kastilyo naming?!tingin mo patay gutom kami?”-“san mo ba balak,ha?”-“teka’t pa-tshirt muna.”-“dapat sa masarap ha, ha? Ha Mr.Don Dugas.
-“Ah…Mr…Dea….”-sinubukan niyang icorrect.
-“Ano?!
“Tangina mo manggi maiwan ka na jan kingina kang batugan ka!hahahah”-sigaw ni batman bago lumarga ng tuluyan.
At talagang pagdating sa restauran e walang umuburang hiya.Lamon ang apat na parang walang bukas at may mga nabulsa pa bukod sa ulam.Mga kasangkapan sa kusina mula sa restaurant.Matapos ang pagsususlit ng apat sa libreng pakain,busog na pwedeng hindi kumain ng dalawang araw.Tumayo sabay sabay,ginroup hug si Mr.Dugas at ninakaw ang wallet.Hindi na pinagsalita si Mr.dugas at isa isa nalang nagpaalam na para bang walang sinasabi ang kausap nila’t nanlibre sa kanila.Tuloy tuloy lang na “thank you,thank you!” na tonong happybirthday mula sa apat na boses na halatang nananarantado habang naglalakad palabas ng restaurant. Hindi na nga nakahirit ang kawawang Mr.Dean Sagud.
Parang magkasunod lang sila lumabas ng restaurant pero nung naklabas sha sa pinot e ni isa sa apat e wala na shanng Makita.Kinapa ang susi sa bulsa, nahalatang nawawala ang wallet at napaluhod at tumawag sa cellfone niya.
Lumipas ang isang magapong wala na naman ginawa ang mga batugang ito.Si lulay maghapong nag gugupit ng bubol.Si Apog parang may kausap na sha lang nakakakita.Si Batman naman drawing lang ng drawing………… sa muka ni manggi na patuloy pa ring natutulog,mag aalas syete na. Si Rayban naman kumakain pa rin ng mga naibulsang mga ulam.
-« MGA TARANTADO !!! »
-uy boses ni kapitan yun ah, »-hirit ni manggi,sa gitna ng pagtulog.
-Ano nalibugan ka na naman ?hahaha- hirit ni Batman.
-„PAKYU!“
Lumabas si Apog.“kap,ano po yun?“
Buntong hininga si kapitan,sabay kaltok sa tagliran ng ulo ni Apog.Balik agad ang tingin ni Apog sa kapitan pero ngayon tuwid na ang tayo niya at ngumiting demonyo. –« baket po ? Ano po ba mapaglilingkod ko sa inyo? »
« Anong baket ?!BAKET ?!e gago pala kayong apat e....ehhh.Lima pala!Pati pala yang alaga niyong taong aso. »-« pag may dadalaw sa baranggay, tingin niyo hindi muna lalapit sa amin yung mga yon ? »-« tingin niyo hindi ko alam nangyayari sa sarili kong baranggay ?! »-« bisita natin yon,tas nanakawan niyo ?!matapos kayo pakainin ? »-« halika,halika na kayong apa..a..lima ! kailangan niyo maturuan ng leksyon e. »-
banat ng isang payat. »oi halikan na daw kayo sabi ni kepweng oh,halikan mo na lulay !hahaha !» PUTANG... !!!-nagpigil na ang kapitan at dinala na lang ang lim....a...eh...apat pala sa prisinto.Ayaw magising ni manggi e.Alam naman ng lahat na wala namang pupuntahan yun e.At pag nagising yun ng wala tong apat nato.Sa baranggay hall o presinto agad didirecho yun.Chaka kababata ni kapitan yun e.May pinagsamahan.
Pagdating sa presinto nandun si Mr.... ?Basta sha !yung ninakawan nila.Mukang nabadtrip.nakaupo lang ng tahimik sa isang table sa loob ng opisina ng barranggay hall.Tinawag ang isa sa mga tanod.At tinawag naman nung tanod ang isa pang tanod.Maya mayang konti yung dalawang tanod na yun , tinawag na ang kapitan.magsasalita palang ang kapitan ng biglang may tumawag sa talepano niya.Una walang pumapansin naka sampung ring na at hindi nasagot. Pero tumawag ulit. Naisip ni kap na baka importante at isinauna na ang pagsagot ng telapano.Habang nakikipagusap ang kapitan sa telepano sumenyas ito sa isa sa mga tanod. Kinalagan sa posas ang apat at inabutan ng walis, bunot at floorwax. »O,simulan niyo na sentensya niyo ! »-tinakpan ni kap ang mouthpeace at humirit muna ng pambasag sa apat na salarin. Si Mr.Dean e kasalukuyang nasa telepono din niya. Lumipas mga 2 minuto, biglang umalis ang kapitan. Kinausap sandali si Mr.Dean at parang sumesenyas na hindi rin sha magtatagal.
Lumipas ang isang araw. Nagising nalang sila sa amoy ng kape at sinangag. Pinabangon sila ng mga tanod. Pinalapit.Binuksan ang drawer at inabutan ulit sila ng walis,bunot at floorwax. Tanghalian na hindi pa rin pinapakain ang apat. Kita na sa mga mata ni lulay ang papalapit na delirio. At si batman na galaw ng galaw ang kamay na para bang nagbabalot ng joint. Si apog naman stedi lang at walang imik. Si rayban naman nagwawalis at sumasayaw sayaw pa sa sounds ng love radio.Biglang may nagsalita sa isa sa mga rajo ng tanod na bumaba daw sila sandali , kelangan daw ng alalay ni mayor at ng misis niya. Naguluhan ang apat. Magkakasunod pumasok ng pinto, ang mayor at si mrs mayor, ang kapitan at si Mr.Dean. Sa labas lahat ng tanod. Sinara ang pinto at pinaupo ang apat.
“Alam niyo ba kung bakit kayo nandito?”- tanong ng mayor sakanila.
“Ah kasi po, kinuha namin wallet niya?”- listong sagot naman nito ni Apog.
„Oo! Pero hindi yun yung rason kung bakit kayo andito ngayon.Yun ang rason kung bakit kayo tumagal dito’t ginawang katulong ng mga tanod.“-ika ng mayor-“Hindi ba man lang kayo naintriga kung bakit kayo pinuntahan ni Mr.Sean Gasud?”
-“ahhh…De..a“ –icocorect
“kung wala ng hihirit pa, itutuloy ko na yung sinasabi ko”-patuloy ang mayor…”andito kayo kasi napilli kayong maging mascot ng bayan natin.”-“tagapagdala ng bandila, tagapagbigay ng liksi sa ating nangunguluntoy at tumatamlay na sambayanang tao”-“lalo na sa mga kabataan”.-“alam kong banda kayo,maari ko kayong matulungan maabot ang pangarap niyong sumikat,makilala at higit sa lahat kumita ng pera ng gumaang ang inyong buhay at hindi niyo na kailanganing magnakaw pa kahit kalian.”-“hindi ito offer”-“kung tutuusin eh wala kayong iba pa din pagpipilian e.Kung hindi itong sinasabi ko sa inyo ngayon ang gagawin niyo.Kulungan kayo.”-“handa ba kayong itayo ang baying to?”
Nagkatinginan ang apat at walang nagsalita kungdi tumungo lang lahat at sumangayon.Tumalikod sa mayor at naghagikhikan sa kilig sa di kapanipaniwalang buenas na dumapo ngayon sakinla.
“meron pa ba kayong gustong malaman?”-dagdag ng mayor.
“ahhh….ano pong silbe ni Mr.D?”-tanong ni Batman
“heh,kaya niyo nay an pagusapan,malalaki na kayo”-tumayo ang mayor at nagtawag na ng alalalay(mahigit 300 yrs old na ata si mayor e).”eto lang ang tatandaan niyo:sa bawat tagumpay niyo,nasa likod niyo ang bayan natin.Pero sa bawat kabalbalang magawa niyo,e sa mismong plaza ko kayo itutusta,malinaw?!” –malasundalong tanong ni mayor.